Noong nakaraang buwan ng Agosto 23-27, 2021 ipinagdiwang natin ang Buwan
ng wika na may temang “Filipino at mga
katutubong Wika sa Dekolonisasyong pag-iisip ng mga Pilipino” na kung saan
ang iba’t – ibang eskuwelahan sa Pilipinas ay nagsasagawa ng mga aktibidad
kasama ang kanilang mga estudyante upang maipakita sa bawat kabataan ang
kahalagahan ng Pambansang Wika natin.
Sa nagdaang selebrasyon makikita natin ang iba’t-ibang
kasuotan na sinuot ng mga mag-aaral ng St.
Vincent de Paul College, mayrooong naka-barong tagalog sa mga kalalakihan at sa
kababaihan naman ay nagsuot sila ng baro’t saya na napaka ganda pagmasdan.
Iba't-ibang aktibidad ang naganap sa aming paaralan. Naging masaya ang lahat sa mga laro at patimpalak na kanilang naranasan. Hinaharap man natin ang "New Normal" tuloy ang nakagawiang selebrasyon.
Ang ating mga guro sa"primary level" ay nakasuporta sa kanilang mga mag aaral sa patimpalak na "Tagisan ng Talino".
No comments:
Post a Comment